Monday, January 23, 2006

Delayed...

Na-delay ng almost 5 hours yung flight ko
pabalik ng manila...
The original departure time is 9:30AM.

Nasa Airport na ako ng 8:03AM,
Pagpasok ko sa loob, nalaman ko na lang
na marami palang flights yung delayed...

Sabi dun sa announcement 11:20AM na
yung bagong departure.

Then binigyan ako ng 1500Yen na Food
and Drinks coupon, pero hindi ko na
ginamit... nag-picture na lang ako instead.

Bago pa ako makapunta sa B73 Gate,
pumila pa ako ng mga 30 minutes sa
immigration, sobrang bagal talaga
gumalaw yung pila... very unlikely of
the place... siguro dahil sa dami narin
ng tao dun sa Airport...

Meron dung mga natutulog na dun
sa gilid ng walkways eh...
May narinig pa ako na nung previous
night pa yung iba sa kanila.

Nung nakaabot na ako sa B73 Gate...
supposedly boarding time na
pero nasa waiting area pa lahat
ng tao... at ang dami nila... wala
akong maupuan... then yung Airplane
na naka-park sa harap namin
si hindi PAL... so mukhang matatagalan
pa ata talaga... :(

So nag-lakad-lakad na lang ako dun
sa buong 3rd Floor ng Narita Airport...
try ko sanang hanapin yung PAL na plane...

Then after several minutes more...
halos naubos ko na din yung 1GB na
memory ko sa camera... nag-announce
ulit na sa A66 Gate na yung boarding
ng PR 431... nung nagcheck ako sa map,
nasa kabilang dulo ng building yung A66,
buti na lang at medyo malapit na ako
sa gitna... kaya sure na mauuna ako dun
sa A66... he he... ayoko makipagsiksikan
sa mga tao eh, mainit yung suot ko.

Mga 12:50 na sila nagsimulang
mag-papasok sa eroplano...
Gutom na gutom narin talaga ako
that time... :S

Mga 1:30 na ata ako nakapasok
kasi sobrang haba ng pila...
hinintay ko maubos yung mga
tao bago ako pumasok... :P

Pagpasok sa plane, good news... sabi ng
Piloto hindi pa raw makaka-launch
yung eroplano kasi may 5 pang
nakapila for the runway... waahhh???

Anyway, mga 3PM JST officially
nakalaunch yung eroplano, 30 minutes
after nag-serve narin ng lunch...
sobrang gutom talaga ako nun... :|

Yung movie nga pala na pinalabas
sa plane is "In Her Shoes"... he he...
Seriously though, medyo naluha ako
dun sa isang scene... maaga kasi ako
nagising eh... sumasakit na yung mga
mata ko... :P

Anyway... I can't really remember
the rest of the flight... I was trying
to make a sleep pero ang hirap
kasi iyak ng iyak yung mga bata...
tapos ang ingay-ingay pa nung mga
katabi ko... :(

Mga 6:05 PST kami nakarating
sa runway, pero hindi rin kaagad
nakalabas ng plane... mga 10-20
minutes pa kami nag-hintay...
medyo nafefeel ko na yung tension
sa mga tao sa paligid... he he...
Nagtayuan ba naman... eh nasa
gitna pa ng runway yung plane...

He he... galit na galit yung stewardess
habang pinagsasabihan yung mga
tao na huwag kunin yung mga
gamit sa overhead bin... :P

Cutting the story short... almost
8PM na ako narating sa bahay...
Pagod... at may sakit na... the moment
na pumasok kami ng Philippine
Teritory sumakit na kaagad yung
throat ko... :(

Mga 10PM na ako natapos mag-unpack
at mag-ayos ng mga gamit ko.
Then nanood pa ako ng replay
ng laban ni Pacquiao sa TV... :D

Past 12AM na ako natulog...
He he... hindi ko parin ako nakakabawi
ng tulog... :(

Next time ko na lang i-post yung mga
airport pictures... dial-up lang kasi
ako dito sa bahay eh... :|

1 comment:

raceirolg said...

grabeh pala ung pag-uwi mo, tsk tsk... anyway, salamat sa pocky... =D