Sunday, November 13, 2005

Laundry Lockdown... =P

This is my 3rd day in Japan, it's getting colder and colder each day...

I'm eating my 3rd cup noodles right now... hindi kasi kami nakapag-dinner.
We left the office at almost 10PM... buti umabot pa sa last train for the hour.

At dahil gusto naming gumala bukas, napag-kasunduan namin na
mag-landry na muna, para wala ng problemahin...

Pag-dating sa laundry... Yes!... wala kaming sabon... may vendo machine
sa loob ng laundry shop, contains some cigarette looking packs.
Akala ko sabon yun... pero sabi ng mga kasama ko sigarilyo daw...
Japanese yung writing so wala talaga akong idea kung ano yun...
maski yung chinese characters hindi ko marecognize, but I'm pretty
sure na hindi siya cigarette.


We decided to return to the hotel to get Rinnel's laundry powder,
then we come across a convient store, we took our chance and
we saw a detergent similar to the ones scattered in the laundry shop.

Nung pabalik na kami ng laundry... we realized na mali pala yung
dinaanan namin... he he... buti na lang merong sabon dun sa store
or else baka inumaga na kami sa daan, ang lamig pa naman.

Yey... first time to use a coin laundry machine... Sanyo Coin Washer 45
Astig! Lagay mo lang yung damit at sabon, in 30 minutes siya na bahala
sa mga damit mo...


Ok... after 5 minutes na pag-hihintay, biglang namatay yung ibang lights
sa shop. Then sumasara na yung automatic door. Nagduda na kami sa
nangyayari...

Then... may nakapost sa may wall in Kanji writing which means...
Store Hours: 6 AM - 12 PM

It 11:30 na pala and meron pang 25 minutes remaining sa washer.
Mukhang mag-sasara na ata yung shop, wala pa namang bantay,
just a security camera mounted on the ceiling... alam kaya nila
na may tao pa?

Dahil sa takot naman na makulong... hindi na lang namin pina-spin-dry
yung mga damit since it would take another 10 minutes.
So after the washer is done... we took our clothes and left the area.

Since gusto naming malaman kung anong mangyayari after 12...
We decided to stay... sa labas ng shop syempre...

This is the best part... nung 11:59 na... namatay lahat ng ilaw...
tapos yung sensor ng door namatay din...

What the?... Paano kaya kung nasa loob pa kami???

No comments: