Quote of the day:
"Warning: This is a turbulent ride, there are sudden drops and sharp turns..."
Song of the day:
"It's a small world after all, it's a small world after all..."
----------------------------------------------------------------------------
Di ko malaman kung paano ko sisimulan ang entry na ito...
Maraming lang siguro talaga akong gusto sabihin tungkol
sa araw na ito... anyway here goes...
Gumising ako ng 6AM para mag-handa para sa pinaka-importanteng
araw sa business trip na ito... Disneyland!!! He he...
Arguably the most memorable day of my visits in Japan.
Kung bakit hindi ko na babanggitin dito... akin na lang yun... :P
We took several rides, walked around for several hours,
buti na lang at hindi umulan, maski sabi sa forecast 60% chance
of precipitation... it's our lucky day.
Maski hindi ako masyadong sanay sa mga kick-ass na rides,
pinatulan ko narin... sayang naman yung bayad namin
5100 Yen din yun ah, enjoy naman kahit sobrang tindi kapit
ko dun sa hand rail... he he...
Napagastos pa ng todo dahil ang mahal ng food dun sa
"Kitchen" in Alice (in Wonderland). Almost 2000 Yen for
lunch and another 750 Yen for a Mickey Mouse Teriyaki
Chicken Sandwich for dinner.
After watching an impressive Electric Parade and a short
yet cool fireworks display, I shed another couple of thousands
for Disney souvenirs, I got bankrupt in no time... :(
Umuwi na kami afterwards...
Nakakapagod talaga...
Pero enjoy naman...
Next time ko na lang i-popost yung mga pictures kapag
nakumpleto ko na, nasa memory card ni Jas yung ibang
pictures eh... tsaka wala talaga akong time mag-upload... :(
No comments:
Post a Comment