Friday, December 23, 2005

Headache...

Habang ako'y pauwi sakay ng LRT...
Biglang may lalaking hinamatay sa
may kabilang pinto... narinig ko na
lang ang isang malakas na kalabog...

Marahil ay nabagok ang ulo niya sa
floor ng LRT... ouch!

Binitbit siya nung mga guards papunta
dun sa platform na tinatayuan ng guard.
Sinusubukan nilang gisingin yung lalaki
habang umiiyak sa likod niya yung kasama
niya na malamang ay asawa niya...

Umalis na din yung LRT kaya hindi ko alam
kung ano na yung nangyari after...
Sana ok lang yung lalaki, kawawa naman yung
maiiwan niyang pamilya...
magpapasko pa naman... :(

Kaya ko ito inilagay dito ay para ipaalala sa akin
ang kahalagahan ng aking kalusugan. Lalo pa't
panay ang OT ko nitong mga huling araw at
lagi din akong kulang sa tulog...
Medyo madalas na rin ngang sumakit ang ulo ko... :(

Sana umabot pa ako ng new year... he he... :D

No comments: