2nd day of the bloody OT series...
At dahil umaga na nga... I going to make this
quite short.
Lumindol pala dito kaninang umaga, nagising
ako nung naramdaman kong umuuga yung kama,
natakot ako kasi akala ko mumu. Nasa teritoryo
pa naman ako ni Sadako.
Nung medyo naalimpungatan na ako, tsaka ko lang
naisip na lumilindol pala... he he... kala ko
talaga mumu... =P
Binuksan ko yung TV to check the news... at
siyempre wala akong maintindihan... atleast
na-confirm ko na lumindol since binabanggit
nung newscaster yung "Tsunami", sa lahat ng
sinabi niya yun lang naintindihan ko. =)
Came in the office late than usual, hindi kasi
nagising si Rinnel ng maaga. So off kami ng mga
30 minutes.
Sobrang antok talaga kanina, halos wala akong
nagawa buong araw kundi tumitig sa screen and
hope na walang makapansin na bumabagsak na yung
ulo ko... he he...
So mga past 6 na ako nagising at nakapag-trabaho.
Buong umaga at hapon kung hindi umiikot yung ulo
ko, ay nag-babasa lang ako ng mga e-mails at
blogs nila gloi at nina... he he...
Kakatamad kasi yung ginagawa ko dito. =P
Atleast medyo maganda yung progress ng testing
namin ngayon, may mga na-fix ng critical na
bugs, natapos din yung isa dun sa 8 sequences,
at marami narin akong nakitang memory leaks.
Hindi ko lang sure kung my time sila Rinnel
na ayusin yung mga leaks.
Codereview and testing na naman ako bukas. Oh well.
Medyo excited ako bumalik ng hotel kasi
inalis na yung screen na nakatakip sa harap
ng hotel, inalis narin yung Please do not open window
na sign kaya pwede ko na buksan yung bintana,
time to take pictures again.
Shot from my window. Looks kinda blurred,
hindi ko kasi dinala yung tripod, ang lamig
pa ng hangin kaya nanginginig yung kamay ko.
Next: Zoom feature demonstration...
Subject: Trash cans on the convenient store right across the street
Zoom = 0%
Zoom = 25%
Zoom = 50%
Zoom = 75%
Zoom = 100%
Yun lang for now, nakalimutan ko na yung
mga nasa isip ko kanina eh... =)
No comments:
Post a Comment